LOOK: Paaralan sa Davao Del Sur nagtamo ng matinding pinsala matapos ang malakas na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2019 - 10:20 AM

Nagtamo ng matinding pinsala ang Salud Cagas Technical and Vocational High School sa Magsaysay, Davao del Sur matapos ang tumamang magnitude 5.6 na lindol sa North Cotabato.

Bumagsak ang kisame sa isa sa mga silid aralan ng eskwelahan.

Maliban sa kisame, nagtamo din ng pinsala ang iba pang classrooms at nagkalat ang mga bubog at debris sa palibod ng paaralan.

Nawasak din ang mga book shelf at nagbagsakan ang mga libro.

Kabilang ang Davao del Sur sa nakaramdam ng malakas na pagyanig sa lindol na tumama sa North Cotabato na ang sentro ay sa bayan ng Makilala.

Ayon sa Phivolcs, Intensity 5 ang naitala sa Santa Cruz, Davao Del Sur.

TAGS: Davao del Sur, eartquake, magnitude 5.6, North Cotabato, Salud Cagas Technical and Vocational High School, Davao del Sur, eartquake, magnitude 5.6, North Cotabato, Salud Cagas Technical and Vocational High School

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.