Filipino suicide bomber panibagong hamon sa mga otoridad ayon sa isang security expert

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2019 - 09:34 AM

Bagong hamon para sa mga otoridad ang pagkakaroon na ng Filipino na suicide bomber.

Sinabi ito ni National Security and International Studies Expert Professor Rhommel Banlaoi matapos makumpirmang Pinoy ang isa sa mga suicide bombers sa naganap na pagsabog sa Indanan, Sulu.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Banlaoi indikasyon ito na nagbago na ang nature ng terrorist threat sa Pilipinas.

Ayon kay Banlaoi ang nangyari sa Indanan, Sulu, kung saan isang 23 anyos na Pinoy ang suicide bomber ay pagpapakitang may kakayahan ang isang Filipino na magsagawa ng suicide attacks.

Umaasa naman si Banlaoi na mapipigilan ng mga otoridad na dumami pa ang mga Pinoy na ma-inspire ng mga teroristang grupo na gawin ang ganitong taktika.

TAGS: Filipino suicide bomber, indanan bombing, Indanan Sulu, terrorist threat, Filipino suicide bomber, indanan bombing, Indanan Sulu, terrorist threat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.