Vendors na apektado ng clearing operations sa Balintawak bibigyan ng maayos na pwesto
Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bibigyan ng maayos at legal na pwesto ang mga illegal vendors na naapektuhan ng clearing operations sa Balinatawak Market.
Malinis na mula sa anumang obstructions, mapa-vendor o illegally parked vehicles ang harapan ng palengke at ang kalsada ay malaya nang nagagamit ng mga motorista at pedestrian.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Belmonte na ang mga napaalis na illegal vendors ay tutulungang mabigyan ng legal na pwesto sa loob ng palengke at handa ang lokal na pamahalaan na ilibre ang renta nila para sa unang mga buwan.
Maliban dito, aalukin din sila ng livelihood program para magkaroon sila ng ibang pagkakakitaan.
Maliban sa Balintawak, nililinis din sa mga vendor at mga ilegal na nakaparadang sasakyan ang iba pang mga pangunahing kalsada sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.