Barko nagliyab sa Mandaue Wharf

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2019 - 08:17 AM

Nagliyab ang isang barkong nakadaong sa FF Cruz Wharf sa Mandue City Miyerkules (July 10) ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nagliyab ang motor vessel na Trans Asia 1 na pag-aari ng Trans Asia Shipping Lines.

Nagsimula ang sunog alas 3:48 ng madaling araw na agad nirespondehan ng mga tauhan ng Bureau of fire Protection (BFP).

Naideklarang under control ang sunog dakong alas 7:18 ng umaga.

Ayon sa Coast Guard Environmental Protection base sa kanilang inspeksyon wala namang banta ng oil spill matapos ang insidente.

Isa naman sa 36 na crew ng barko ang nagtamo ng minor injury sa kaniyang ulo na agad nalapatan ng lunas.

Base sa pahayag ng mga crew sa galley air blower ng barko nagsimula ang apoy.

TAGS: fire incident, mandaue wharf, Oil Spill, Radyo Inquirer, fire incident, mandaue wharf, Oil Spill, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.