Mga bagong riles para sa MRT-3 dumating na sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2019 - 08:04 AM

Dumating na sa bansa ang mahigit 4,000 piraso ng mga riles na gagamitin para sa MRT-3.

Dumaong ang barkong lulan ang 4,053 piraso ng riles sa Harbour Centre Port Terminal sa Maynila kahapon (July 9).

Mula sa Port of Manila, ihahanda na para sa installation ang Japanese-made na mga riles na may habang 18 metro bawat isa sa Tracks Laydown Yard malapit sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sa sandaling dumating na sa bansa ang iba pang rail parts sa buwan ng Oktubre, masisimulan na sa Nobyembre ang pagpapalit ng riles sa kahabaan ng MRT-3 mainline.

Ang pagpapalit ng riles ay gagawin tuwing non-operating hours ng tren. para hindi maapektuhan ang serbisyo ng MRT-3.

Kapag naikabit na ang mga bagong riles ay inaasahang mababawasan ang tagtag ng mga bagon na ikinasisira ng mga eletrical at mechanical component na pangunahing sanhi ng train breakdown.

TAGS: dotr, mrt-3, railsystem, railways, train system, dotr, mrt-3, railsystem, railways, train system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.