Water level sa Angat dam nasa 160.30 meters na lang
Muling nabawasan ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa update mula sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Miyerkules, July 10, nasa 160.30 meters na lang ang water level ng dam.
Kung walang mararanasang pag-ulan sa bahagi ng Angat dam ngayong maghapon, maaring bumaba muli sa 159-meter level ang antas ng tubig sa dam.
Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 72.21 meters na lamang.
Samantala, nabawasan din ang water level sa Ipo, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.
Habang bahagyang nadagdagan ang water level ng Binga dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.