Yellow alert pitong oras na iiral sa Luzon grid ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2019 - 07:44 AM

Muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon Grid ngayong araw ng Miyerkules, July 10.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Mayroong available capacity ng kuryente sa Luzon na 11,286MW habang aabot sa 10,698MW ang peak demand.

Hindi naman inaasahan ang pagkakaroon ng rotational brownout bunsod ng yellow alert.

Pero pinapayuhan ang publiko na magtipid-tipid sa paggamit ng kuryente.

TAGS: luzon grid, power, power reserve, Radyo Inquirer, Yellow Alert, luzon grid, power, power reserve, Radyo Inquirer, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.