Pangunguna ni Binay sa Pulse Asia survey minaliit ng LP

By Isa Avendaño-Umali December 22, 2015 - 03:19 PM

Mar-Roxas-0527
Inquirer file photo

Ipinagkibit-balikat lamang ng kampo ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas ang latest Presidential survey ng Pulse Asia.

Ayon kay LP spokesperson at Caloocan City Rep. Edgar Erice, magbabago pa ang surveys depende sa lalabas na advertisements, mga balita at iba pa na may kinalaman sa mga kandidato sa pagka-pangulo.

Variables din aniya ang disqualification cases laban sa ilang kandidato sa pagka-Presidente, gaya nina Senadora Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Bukod dito, inamin ni Erice na hindi maganda ang TV ads ni Roxas.

Sinabi ni Erice na sa ngayon ang malinaw ay dikit ang magiging laban sa pagitan ng mga presidentiables.

Ipinaliwanag din ng opisyal na magsisimula ang totoong laban sa kampanya kung saan ang lahat ng kandidatong pangulo ay pantay-pantay at kumbaga aniya sa basketball ito ay mag-uumpisa sa 0-0.

Pagmamalaki naman ng LP spokesperson, ang kanilang partido ang may pinakamalaki na makinarya at accomplishments daw dahil sa Daang Matuwid.

 

TAGS: 2016, binay, Liberal, roxas, 2016, binay, Liberal, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.