Manila Barangay Bureau, inatasan ang lahat ng punong barangay sa lungsod na mahigpit na ipatupad ang “No Obstruction” policy
Nagbaba ng kautusan ang Manila Barangay Bureau sa lahat ng kapitan ng barangay sa Lungsod ng Maynila.
Nakasaad sa memorandum ang atas para sa mahigpit na pagpapatupad ng “no obstruction” policy.
Kabilang dito ang mga ilegal na nakaparadang sasakyan sa mga lansangan sa lungsod.
Layon nitong matiyak na lahat ng kalsada sa lungsod, main road man o secondary road ay malinis sa anumang obstructions at walang ilegal na nakaparadang sasakyan.
Ito ay para malayang magamit ng pedestrians at mga motorista ang mga kalsada.
Inatasan din ang mga kapitan ng barangay na magsumite ng written report na may kasamang larawan hinggil sa ginawa nilang aksyon sa paglilinis sa nasasakupan nilang lansangan bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.