Apat na dayuhan kabilang ang isang Pinoy ikinulong sa Malaysia dahil sa pagkakaugnay sa insurgent groups
Ikinulong sa Malaysia ang apat na dayuhan na kinabibilangan ng isang Filipino sa hinalang sangkot ang mga ito sa insurgent groups.
Ang apat ay kabilang sa mga Rohingya Muslims na dumating sa Malaysia mula Myanmar o Bangladesh.
Ayon kay Inspector General of Police Abdul Hamid Bador, ikinulong ang apat na Rohingya suspects dahil sa pagbibigay ng suporta sa Arakan Rohingya Salvation Army o ARSA na isang insurgent group na nasa likod ng mga pag-atake.
Isa sa mga suspek ay 41 anyos na construction worker na nagpadala din umano ng death threat laban kay Bangladesh Prime Minister Sheikh Hasina sa pamamagitan ng video na inupload sa social media.
Habang ang isang suspek ay 54 anyos na Filipino na may kaugnayan umano sa Abu Sayyaf Group ayon kay Abdul Hamid.
Sangkot din umano ang nasabing Pinoy sa kidnapping activities sa karagatang sakop ng Sabah.
Nakataas ang high alert sa Malaysia sumula nang atakihin ng mga lalaking kaalyado ng Islamic State ang Jakarta, Indonesia noong January 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.