Extreme northern Luzon apektado ng Habagat
Bahagyang lumakas ang Southwest Monsoon o Habagat na nakaaapekto sa extreme northern Luzon.
At dahil may kalakasan ang Habagat, itinaas ng PAGASA ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Babuyan, Calayan at Ilocos Norte.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, maliban sa extreme northern Luzon, ang buong bansa ay makararanas ng maaliwalas na panahon ngayong araw.
Aasahan lamang ang isolated na mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na 3 hanggang 5 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.