LTFRB sinisi ang reenacted budget sa delay ng processing ng TNVS permits
Idinahilan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang reenacted budget kaya natagalan ang pag-proseso ng mga permit para sa Transport Network Vehicles Services (TNVS).
Ayon kay LTFRB chairman Martin Delrga, dahil sa reenacted budget, sa simula ng 2019 ay napilitan silang magtanggal ng 50% ng kanilang mga tauhan na nasa ilalim ng job orders na nakatalaga sa pag-aayos ng mga aplikasyon para sa Provisional Authority na nagresulta naman sa delay.
Pahayag ito ni Delgra sa gitna ng dayalogo sa TNVS operators araw ng Martes.
Nag-ugat anya ang problema sa pagbubukas ng 20,000 bagong slots para sa TNVS applications noong Disyembe na nagresulta sa dagsa ng mga aplikante.
Hindi anya naisip ng ahensya na magkaroon ng reenacted budget at kailangang magtanggal ng ilang empleyado.
“The lack of personnel was finally addressed… following the approval of the budget. Hence, there will be a catch-up plan,” ani Delgra.
Para matugunan ang problema, magpoproseso ang LTFRB ng 1,000 TNVS franchise applicants kada araw para sa verification at stamping ng Temporary Authority.
Sa araw naman anya ng Sabado kada buwan ay pwedeng mag follow-up ng application transactions.
Makikipag-ugnayan din ang ahensya sa mga bangko kaugnay naman ng isyu ng “bank conformity.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.