1 patay sa flash floods sa Spain

By Rhommel Balasbas July 10, 2019 - 04:33 AM SHARE(S):

Patay ang isang drayber matapos tangayin ng tubig-baha ang minamaneho nitong kotse sa Spain Lunes ng gabi.

Bumuhos ang malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at pag-apaw ng mga ilog sa Tafalla sa northern spain.

Hindi pa makumpirma ang pagkakakilanlan ng nalunod na biktima.

Nagviral sa social media ang mga video at larawan kung paanong tinangay ng tubig ang mga sasakyan sa Tafalla at ang paglubog sa baha ng mga kalsada.

Isinara rin ang ilang mga kalsada at nagkaroon ng power outages sa mga bahagi ng Espanya.

Maging ang operasyon ng isang major railway line ay sinuspinde.

Ang sikat na taunang bull run at bullfight sa Pamplona ay kinansela na rin dahil sa inaasahan pang mga pag-ulan ayon sa national weather agency.

 

TAGS: 1 patay, baha, bull run, bullfight, flash floods, pag-ulan, power outages, Spain, 1 patay, baha, bull run, bullfight, flash floods, pag-ulan, power outages, Spain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.