Isa sa mga suicide bombers sa Indanan, Sulu, kumpirmadong Pinoy

By Rhommel Balasbas July 10, 2019 - 04:09 AM

Nakumpirma na ng mga awtoridad araw ng Martes na Filipino ang isa sa dalawang suicide bombers na nasa likod ng kambal na pagsabog sa Indanan, Sulu noong June 28.

Sa pamamagitan ng DNA test, naberipika ng Philippine National Police (PNP) na ang Pinoy na si Norman Lasuca ang isa sa mga suicide bombers.

ang DNA sample ni Lasuca sa sample mula sa kanyang ina na si Vilma Alam Lasuca sa pagsusuring isinagawa ng PNP Crime Laboratory.

Nauna nang sinabi ni Vilma sa mga awtoridad noong nakaraang linggo na sa anak niya ang ulo na natagpuan sa explosion site.

Ito ang kauna-unahang validated case na isang Filipino citizen ang nasa likod ng isang kahalintulad na pag-atake.

Samantala, bigo pa ang mga awtoridad na malaman ang pagkakakilanlan ng isa pang suicide bomber at patuloy nila itong iniimbestigahan.

Walo katao kabilang ang mga suicide bombers at tatlong sundalo ang nasawi habang 22 katao ang nasugatan sa insidente.

 

TAGS: DNA, indanan, Norman Lasuca, suicide bombers, Sulu, DNA, indanan, Norman Lasuca, suicide bombers, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.