Medal of distinction igagawad ng Kamara kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach
Nakatakdang gawaran ng mababang kapulungan ng Kongreo ng “Congressional Medal of Distinction” si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang Congressional Medal of Distinction ay ang pinakamataas na karangalan na kayang ibigay ng Kongreso sa isang “exemplary individual”,
Sinabi ni Belmonte na mag-aadopt ang Kamara ng isang resolusyon upang maipagkaloob ang naturang award kay Pia, na ikatlong pinay na nanalo sa prestihiyosong Miss Universe beauty pageant.
Umaasa naman si Belmonte na personal na magtutungo si Pia sa Lower House para personal na tanggapin ang medalya.
Hindi aniya lingid sa lahat na sa New York sa Amerika mananatili si Pia, sa loob ng isang taon, upang gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang bagong Miss Universe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.