Roach: Pacquiao kakaiba ang bilis bago ang laban kay Thurman

By Len Montaño July 10, 2019 - 03:27 AM SHARE(S):

Nakita ng hall of famer na si Freddie Roach ang kilalang bilis at porma ni Manny Pacquiao bago ang laban nito kay Keith Thurman sa July 21 araw sa Pilipinas sa Las Vegas.

Ayon kay Roach, tila naibalik ng 40 anyos na si Pacquiao ang dating galing nito dahil sa ipinamalas nitong bilis gaya noong kanyang kabataan.

Kakaiba anya ang bilis ng pambansang kamao dahil sa kabila ng edad ay kumikilos ito sa ring na pareho ang bilis sa panahong siya ang seven-division world champion.

Kumpyansa ang trainer na matatalo ni Pacquiao si Thurman.

Sa ngayon ay si Pacquiao na ang paborito ng mga boxing fans mula sa pagiging underdog nito.

 

TAGS: bilis, Freddie Roach, Keith Thurman, manny pacquiao, Pambansang kamao, seven-division world champion, underdog, bilis, Freddie Roach, Keith Thurman, manny pacquiao, Pambansang kamao, seven-division world champion, underdog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.