Duterte, Misuari nagpulong sa ikatlong beses ngayong taon

By Rhommel Balasbas July 10, 2019 - 03:08 AM

Malacañang photo

Nagkaroon muli ng pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari sa Palasyo ng Malacañang araw ng Martes.

Ito na ang ikatlong beses na nagpulong ang dalawa sa taong ito matapos ang pulong noong February 25 at March 19.

Batay sa mga larawan na inilabas ng Malacañang, kasama sa pulong sina Senator Christopher “Bong” Go, Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr. at Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

Si Piñol ay nauna nang inanunsyo ni Duterte na itatalaga bilang kanyang ‘point man’ sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Hindi pa inilalabas ang detalye sa naganap na pulong na hindi kasama sa official schedule ng pangulo na ibinigay ng palasyo sa Media.

Makailang beses nang sinabi ng presidente na nais niyang hingin ang tulong ni Misuari para matamo ang kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi rin ni Duterte noong Marso na nagbanta ng giyera ang MNLF leader kapag hindi naselyuhan ang isinusulong na federalismo.

 

TAGS: BARMM, Federalismo, ikatlong beses, mnlf, Nur Misuari, pulong, Rodrigo Duterte, BARMM, Federalismo, ikatlong beses, mnlf, Nur Misuari, pulong, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.