K-pop group EXO balik-bansa para sa concert sa Agosto

Babalik sa Pilipinas ang K-pop boy group na EXO para sa concert sa August 24 sa Mall of Asia Arena.

Inanunsyo ng concert promoter na PULP Live World araw ng Martes na ang pagbabalik-bansa ng EXO ay bahagi ng kanilang 5th solo concert na “EXO Planet Number #5-Exploration.”

Wala pang impormasyon kung magkano ang mga tiket pero magsisimula nang magbenta sa August 4.

Unang nag-perform ang EXO sa Pilipinas noong October 2018 bilang bahagi ng Manila show ng South Korean music program na “Show Champion.”

Ang EXO, isa sa top male acts sa K-pop music, ay nag-debut noong 2011 na mayroong 12 members.

Pero sa ngayon ay siyam na lamang ang mga miyembro ng grupo.

Matatandaan na nag-enlist sa military service ang isa sa mga miyembro nito na si Xiumin.

Ito ay para sa kanyang mandatory military service bilang aktibong sundalo noong May 7 habang ang isa pang miyembro na si D.O. ay nagpa-enlist bilang active soldier noong July 1.

 

 

 

 

 

Read more...