Duterte pinuri si Arroyo: “True living icon in Philippine politics”

By Rhommel Balasbas July 10, 2019 - 02:41 AM

Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating pangulo at house speaker Gloria Macapagal Arroyo at tinawag itong ‘living icon’ sa larangan ng pulitika sa Pilipinas.

Sa appreciation dinner para kay Arroyo Martes ng gabi, sinabi ni Duterte na sagisag ng matibay na political will ang dating pangulo.

Ani Duterte, walang kahit sinong pangulo sa kasaysayan ng bansa ang maihahalintulad kay Arroyo sa pagpapatupad ng hindi pangkaraniwan ngunit matapang na mga desisyon para sa bansa.

“Perhaps no other chief executive in our history comes close to President Arroyo’s example of carrying out decisive actions even if such actions would prove to be unpopular” ani Duterte.

Ibinida rin ng presidente ang karanasan ni Arroyo bilang isang ekonomista at naglatag umano ito ng pundasyon para matamo ang pag-unlad ng bansa na anya’y nararamdaman pa rin hanggang sa ngayon.

“During her impressive 27-year career in the legislative and executive branches of government, she became a major figure and was instrumental in crafting policies that made our bullish economy possible,” ayon sa pangulo.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, nagbiro si Duterte na noong si Arroyo pa ang presidente at siya pa ang alkalde ng Davao ay wala siyang pinatay na tao sa utos nito.

“Of course, wala akong pinatay na tao na utos niya. Pinatay ko na lang kasi feeling ko gusto niya,” biro ni Duterte na umani ng tawanan mula sa mga mambabatas.

Umaasa si Duterte na ang legasiya ni Arroyo ay maging inspirasyon ng milyun-milyong mga Filipino.

 

TAGS: appreciation dinner, Gloria Arroyo, living icon, pinuri, political will, Rodrigo Duterte, appreciation dinner, Gloria Arroyo, living icon, pinuri, political will, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.