P3.002 trillion na 2016 national budget nalagdaan na ni PNoy
Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang 2016 national budget na nagkakahalaga ng P3.002-trillion.
Isinagawa ang ceremonial signing ng 2016 General Appropriations Act (GAA) o ang Republic Act no. 10717 sa Rizal Hall sa Malacañang na sinaksihan, ng 200 government officials, kabilang ang mga miyembro ng Senado at Kamara.
Sa nasabing halaga, P436.5 billion ang mapupunta sa Department of Education habang ang Department of Public Works and Highways ay makatatanggap ng P400.4 billion.
Ang iba pang ahensya ng pamahalaan na may malaking bahagi sa budget ay ang mga sumusunod:
Department of National Defense (P175.2 billion)
Department of Interior and Local Government (P154.5 billion) Department of Health (P128.5 billion)
Department of Social Welfare and Development (P111 billion) Department of Agriculture (P94 billion)
Department of Transportation and Communications (P48.5 billion) Department of Finance (P33.2 billion)
Sa kaniyang talumpati sa ceremonial sigining ito ang ikaanim na pagkakataon sa ilalim ng kaniyang administrasyon na naipasa sa tamang oras ang budget ng pamahalaan.
Tinawag ng pangulo na “makasaysayang yugto” ng bansa ang paglagda sa 2016 budget. “Napakalayo na ng ating narating. Malayo pa ang ating kayang marating…umaasa akong payayabungin ng mga susunod sa atin,”ayon sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.