Pagkatali ng Comelec sa Smartmatic nais ni Sen. Marcos na maputol
Naghain ng panukalang batas si Senator Imee Marcos para mabigyan ng ibang opsyon, maliban lang sa Smartmatic, ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagsasagawa ng automated election sa bansa.
Ayon kay Marcos, inihain niya ang Senate Bill No. 221 para maalis sa Republic Act 9369 ang probisyon na nagbabawal sa ibang service providers na makibahagi sa automated election kaya hindi lang ang Smartmatic ang mapapagpilian.
Binanggit nito ang probisyon kung saan sinasabi na ang service provider ay kailangan nagamit na sa eleksyon sa Pilipinas o sa ibang bansa.
Aniya, lumawig ang pagdududa sa Smartmatic dahil sa mga alegasyon ng dayaan noong 2016 elections.
Sinabi pa ni Marcos na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang gusto na maalis na sa kamay ng Smartmatic ang automated election system sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.