#WalangPasok: Klase sa Makilala, North Cotabato suspendido ngayong araw
Suspendido ang mga klase sa bayan ng Makilala sa North Cotabato ngayong Miyerkules July 10 kasunod ng malakas na lindol sa lalawigan.
Ayon sa Makilala Municipal Disaster Risk Reduction Management Council, nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng kanselasyon ng mga klase sa lahat ng antas, private at public ngayong araw.
Samantala, hanggang bago mag alas 12 ng hatinggabi ay umabot na sa mahigit 40 ang aftershocks kasunod ng magnitude 5.6 na lindol sa probinsya.
Magsasagawa naman ng inspeksyon sa mga eskwelahan at mga istraktura ng mga otoridad sa Makilala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.