Mga chairman ng mga komite sa Kamara dapat 3 taong mauupo ayon sa partylist coalition

By Erwin Aguilon July 09, 2019 - 11:42 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Hinikayat ng Party-list Coalition Federation Inc. ang dalawang uupong Speaker sa 18th Congress na huwag nang baguhin ang itatalang chairman ng mga komite sa Kamara.

Sinabi ni PCFI President at 1-Pacman Rep. Mikee Romero, matapos ang pulong ng 54-member group, mahihirapan lamang ang buong Kamara sa kanilang legislative agenda kapag babaguhin pa ang committee chairmanship sa oras na magkaroon na ng transition sina Taguig Rep. Allan Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Maganda aniya kung gawing consistent lamang ang mga nakaupong chairman sa 75 komite sa loob ng tatlong taon para sa matiwasay na trabaho sa kapulungan.

Nauna nang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na nakakaranas ng delay ang organization sa Kamara dahil sa speakership issue.

Sinabi nito na kaunti na lamang nalalabing oras bago mag convene ang 18th Congress sa umaga ng July 22.

 

TAGS: 1-Pacman Rep. Mikee Romero, 18th congress, 3 taon, chairman, committee chairmanships, Kamara, komite, legislative agenda, Party-list Coalition Federation Inc., Partylist Coalition, uupo, 1-Pacman Rep. Mikee Romero, 18th congress, 3 taon, chairman, committee chairmanships, Kamara, komite, legislative agenda, Party-list Coalition Federation Inc., Partylist Coalition, uupo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.