Mayor Isko sa mga jeepney driver: ‘Makiisa sa pagsasaayos ng Maynila’

Kuha ni Clarize Austria

Hinikayat ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga jeepney drivers na tulungan siya sa pagsasaayos ng mga lansangan sa Maynila.

Ayon kay Moreno, kailangan niya ang kooperasyon ng mga drivers sa pagpapaluwag ng mga kalsada at kakastiguhin niya ang mga lalabag sa batas kabilang ang mga pasaway na driver na nagka-cutting trip.

Sinabi rin ng Alkalde na sana ay pakinggan muna siya ng mga driver bago umapela ang mga ito.

Pahayag ito ni Domagoso kasunod ng clearing operations sa Recto, Binondo, Blumentritt, Carriedo at Padre Faura.

Ayon naman kay Pasang Masda National President Roberto Martin, sang-ayon sila sa mga panukala ni Mayor Isko.

Iniintindi rin naman anya ng Alkalde ang mga hinaing ng mg driver kaya handa silang makipagtulungan dito.

 

Read more...