Pilipinas nais mabigyan ng hustisya ang mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank

By Chona Yu July 09, 2019 - 11:01 PM

Wala nang interes ang Palasyo ng Malakanyang na alamin pa kung maritime militia vessel o commercial fishing boat ang bumangga sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas interesado ngayon ang gobyerno na mabigyan ng hustisya ang 22 mangingisda na inabandona ng Chinese crew sa gitna ng karagatan noong June 9.

Mas importante aniya na managot sa batas ang Chinese crew na nasangkot sa insidente.

Aminado si Panelo na walang paraan ang palasyo na malaman kung maritime militia ang nasangkot sa insidente dahil wala namang testigo.

Mabuti nga, ayon kay Panelo, na inamin ng China na barko nila ang nakabangga sa mga Pilipino.

Gabi aniya at madilim nang maganap ang insidente kaya mahirap malaman kung armado o hindi ang Chinese crew.

Ayon pa kay Panelo, kung pagbabasehan ang report ng Beijing, hindi maritime militia ang nakabangga sa mga Pilipino kundi Chinese boat lamang.

 

TAGS: 22 mangingisdang Pilipino, Chinese crew, Chinese vessel, commercial fishing boat, hustisya, managot sa batas, maritime militia, Presidential spokesman Salvador Panelo, Recto Bank, 22 mangingisdang Pilipino, Chinese crew, Chinese vessel, commercial fishing boat, hustisya, managot sa batas, maritime militia, Presidential spokesman Salvador Panelo, Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.