Si Vice President Jejomar Binay na ang nanguna sa bagong presidential survey ng Pulse Asia.
Ang bagong survey ay isinagawa ng Pulse Asia noong December 4 hanggang December 12, 2015.
Sa nasabing survey nakakuha si Binay ng 33 percent, pumangalawa sa kaniya si Davao City Mayor Rodrigo Duterte – 23 percent, ikatlo si Senator Grace Poe – 21 percent, pang-apat si Mar Roxas – 17 percent at panglima si Sen. Miriam Santiago na nakakuha ng 4 percent.
Noong nakaraang buwan ng Nobyembre naglabas ng survey result ang Pulse Asia para sa Metro Manila kung saan nanguna sa Duterte sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES