Mga baril at bala nakuha sa bodega ng DHL sa NAIA
Nakumpiska ng Bureau of Customs ang mga iligal na baril, bala, at mga gun parts sa DHL warehouse sa Ninoy Aquino International Airport noong July 1, 4, at 7.
Ayon kay BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan, nakuha nila ang 35 piraso ng rifle parts, isang Glock pistol at magazines, 92 piraso ng bala, at isang airgun.
Dadalhin dapat ang mga naturang armas papuntang Hong Kong at Taiwan na idineklara bilang general merchandise at bagong water pump.
Nasamsam ang mga naturang kontrabando ng abandonahin ito ng imported na hindi pa pinangalanan sa ngayon.
Iniimbistigahan ng BOC katuwang ang PNP ang naturang insidente at siniguro ng DHL na makikipagtulungan sila sa gagawing pagsisiyasat.
Tinitignan rin ng BOC kung alin pa sa mga warehouse nila ang nararapat dalhan ng karagdagang mga X-rays.
Noong Pebrero ay mayroon ding nasabat ang BOC na mga baril na iprinisenta rin ng ahensya sa media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.