Panelo excited na maka-debate si Amal Clooney

By Chona Yu July 09, 2019 - 04:30 PM

(AP Photo/Seth Wenig)

Naghahanap lamang ng itatapat si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kung kaya kinuha ang sikat na International Human Rights lawyer na si Amal Clooney para maging bahagi ng kanyang legal team sa kinakaharap na kasong tax evasion at cyberlibel.

Ayon kay Panelo, nagiging kawawa kasi si Ressa tuwing magkakaroon sila ng debate.

Paniwala ni Panelo, nabola ni Ressa ang abogadong asawa ng Holywood actor na si George Clooney.

Malinaw kasi aniya na misinformed si Clooney kung kaya napaniwala ito na inaapi sa Pilipinas si Ressa.

Ayon kay Panelo, excited na siyang makaharap si Clooney.

Sinabi pa ni Panelo na bibigyan niya ng lecture at ipapaliwanag punto-por-punto kay Clooney ang mga kasong kinakaharap ni Ressa.

Hindi rin naiwasan ni Panelo na humanga kay Clooney at sinasabing maganda na at sexy pa.

Agad namang nilinaw ni Panelo na hindi maaring humarap sa korte sa bansa si Clooney dahil hindi naman ito miyembro ng Integrated Bar of the Philippines.

Maari lamang aniyang maging consultant si Clooney o maging tagapagsalita ni Ressa.

TAGS: amal clooney, duterte, Maria Ressa, panelo, rappler, amal clooney, duterte, Maria Ressa, panelo, rappler

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.