Speakership term-sharing suportado ng partylist representatives

Photo: Erwin Aguilon

Nakahanda ang Partylist Coalition na suportahan ang inendorsong House Speaker ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang press conference matapos ang kanilang pulong sinabi ni 1Pacman Representative at pinuno ng koalisyon na si Rep. Mikee Romero na sa ngayon suportado nila sina Rep. Allan Cayetano at Rep. Lord Allan Velasco.

Nanindigan din si Romero na magkakaroon ng bloc voting ng 54-man coalition.

Sinabi nito na magpapadala sila ng liham kay Rep. Cayetano upang hingin ang 20% committee allocation para sa partylist group.

Kabilang anya rito ang mga komite na hinawakan ng partylist noong 17th Congress.

Read more...