NBI magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pinatay na Dinagat board member
Ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagpatay sa provincial board member sa Dinagat Island.
Tinambangan ang biktimang si Wenefredo Olofernes ng riding-in-tandem sa Surigao City, Surigao del Norte noong araw ng Linggo (July 7).
Sa department order, naglabas ng direktiba si Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI na pangunahan ang imbestigasyon.
Ayon sa kalihim, ang NBI ang responsable sa pagsasampa ng kaukulang kaso sakaling makakalap ng ebidensya sa pagkasawi ni Olofernes.
Inatasan din ni Guevarra si NBI Director Dante Gierran na magsumite ng mga report ukol sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.