12 Chinese crew na nag-abandona sa 22 mangingisdang Pinoy pinakakasuhan ni Sen. Drilon

By Jan Escosio July 09, 2019 - 12:54 PM

Naniniwala si Senate Minority Leader Frank Drilon na dapat ay sampahan ng kaso sa lokal na korte ang kapitan at mga tripulanteng Chinese na nang-abandona sa 22 mangingisda sa Recto Bank.

Ayon kay Drilon mahalaga na malaman muna kung ano Chinese fishing vessel ang nakabangga sa F/B Gem Ver at kung maari ay pakiusapan ang China na kilalanin ang mga sakay nito.

Pagdidiin ni Drilon napakahalaga na may gawin konkretong aksyon ang Pilipinas sa paliwanag nito na kung walang gagawing hakbang ay maaring maapektuhan nito ang ating karapatan sa ating exclusive economic zone o EEZ.

Sinabi pa nito na nakasaad sa Republic Act 10654 o ang Fisheries Code ang sinoman banyaga, indibiduwal man o korporasyon, na lalabag ay maaring pagmultahin ng hanggang $1 million.

Umaasa si Drilon na sa kabila ng mga naging pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa insidente ay kikilos pa rin ang Malakanyang sa ngalan ng pambansang-interes.

TAGS: Chinese crew, Filipino Fishermen, Recto Bank incident, Chinese crew, Filipino Fishermen, Recto Bank incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.