Mga ibinebentang karne sa QC ligtas sa ASF
Ininspeksyon ng mga tauhan ng Quezon City Veterinary Department ang mga palengke sa lungsod.
Ito ay upang matiyak na ligtas sa African Swine Fever ang mga karneng ibinebenta sa lahat ng palengke sa lungsod.
Matapos ang ginawang serye ng inspeksyon, sinabi ni Dr. Ana Marie Cabel na ligtas sa ASF ang lahat ng ibinebentang karnet at meat products sa Quezon City.
Noong buwan ng Abril ay nagpalabas ng kautusan ang National Meat Inspection Service (NMIS) sa mga lokal na pamahalaan para regular na imonitor ang mga palengkeng nasasakupan mula sa mga imported meats at meat products.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.