Official parade outfit ng Team Philippines sa SEA Games ipinasilip ni Francis Libiran

By Dona Dominguez-Cargullo July 09, 2019 - 11:08 AM SHARE(S):
IG Photo

Likha ni Francis Libiran ang isusuot ng Team Philippines para sa parada sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games ngayong taon.

Sa kaniyang Instagram account ipinasilip ni Libiran ang disenyo ng isusuot ng Team Philippines.

Barong ang isusuot ng team na magsisilbi nilang official parade uniforms.

May disensyong sinag ng araw ang barong sa manggas at ang kuwelyo ay may shades ng asul at pula.

Sa Pilipinas gaganapin ang 30th SEA Games mula November 30 hanggang December 11, 2019.

TAGS: francis libiran, official outfit, parade outfit, sea games, team philippines, francis libiran, official outfit, parade outfit, sea games, team philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.