Pia Wurtzbach, sabak agad sa trabaho bilang Miss Universe

By Dona Dominguez-Cargullo December 22, 2015 - 10:06 AM

Photo from @MissUniverse
Photo from @MissUniverse

Isang araw matapos masungkit ang pangatlong korona ng Miss Universe para sa Pilipinas, nagsimula na agad si Pia Alonzo Wurtzbach sa kaniyang mga responsibilidad bilang Miss Universe.

Isang full-time job ang pagiging Miss Universe kung saan obligado ang attendance ni Wurtzbach sa paglibot sa buong mundo para sa mga charity work, maging speaker sa awareness occasions at iba pa.

Sa post sa twitter account ng Miss Universe na @MissUniverse, sinabi ni Wurtzbach na opisyal nang nagsimula ang kaniyang unang araw, kasama ang larawan habang siya ay inaayusan. “My 1st day as #MissUniverse has officially begun! Starting it off fresh-faced and #ConfidentlyBeautiful,” nakasaad sa post ni Wurtzbach.

Sa kaniya namang post sa instragram, nagpasalamat si Wurtzbach sa lahat ng sumuporta sa kaniya.

Suot Miss Universe crown, nag-post si Wurtzbach ng kaniyang larawan na may caption na, “42 years of drought and now it finally reigns, Mabuhay! Maraming salamat po sa inyong lahat!,”ayon sa IG post ni Wurtzbach

Samantala, hangad umano ni Pia na maging masaya rin para sa kanya ang Latino community lalo na ang mga fans ni Miss Colombia Ariadna Arevalo na unang naianunsyong panalo pero sa huli ay binawi dahil sa pagkakamali ng host na si Steve Harvey.

Ayon kay Pia, siya na ang boses ngayon ng Miss Universe kaya humihingi siya ng paumanhin sa aniya’y nangyaring confusion na hindi sinadya.

TAGS: miss universe, Pia Wurtzbach, miss universe, Pia Wurtzbach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.