Lalaki natagpuang patay sa loob ng sasakyan sa Cebu

CDND Photo

Isang lalaki ang natagpuang walang buhay sa loob ng kaniyang sasakyan sa Marcelo Fernan Bridge sa Cebu.

Ayon kay Police Senior Master Seageant Alain Bandolon ng Pusok Police Station sa Lapu-Lapu City, nakita ang lalaki dakong alas 2:49 ng madaling araw ng Martes, July 9.

Nakilala ang biktima na si Ronald Tagcos na residente ng Basak, Mandaue city.

Natagpuan si Tagcos sa loob ng isang kulay gray na Toyota Wigo na nakahinto sa center island ng tulay at patungo ng Mandaue.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ay may nakitang tama ng bala ng baril sa kaniyang dibdib.

May natagpuan ding sulat sa loob ng sasakyan kung saan binabanggit ng biktima ang mga problema sa kaniyang pamilya.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...