Pangulong Duterte OK lang maakusahan sa EJK huwag lang sa korapsyon
Walang problema kay Pangulong Rodrigo Duterte kung maakusahan o masangkot sa isyu sa extra judicial killings.
Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mga bagong appointed na government officials, sinabi ng pangulo na mas okay na ang EJK kaysa maakusahan ng korapsyon.
Kamakalawa lamang, nanawagan ang Amnesty International sa United Nations Human Rights Council na imbestigahan ang anti-drug war campaign ni Pangulong Duterte sa pangambang nauwi na ito sa Extra Judicial Killings.
Iginigiit din ng grupo na naging “bloodiest killing field” na ang Bulacan.
Pangako ng pangulo, nais niyang mawalis ang korapsyon bago pa man matapos ang kanyang termino sa 2022.
Nakadidismaya ayon sa pangulo dahil kahit pursigido siyang alisin ang korapsyon, marami pa rin sa mga opisyal ng gobyerno ang nasasangkot sa pangungurakot sa pera ng bayan.
Tiniyak pa ng pangulo na aalis siya sa kanyang pwesto nang walang singko sentimo sa bulsa at walang extra expenses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.