Mga motorista sa viral video na nakaharang sa ambulansya maaring mabawian ng lisensya ng LTO

By Dona Dominguez-Cargullo July 09, 2019 - 08:55 AM

Maaring mabawian ng lisensya ang mga motorista sa viral video na nag-counterflow at humarang sa isang ambulansya na may sakay na pasyente.

Sa kaniyang Facebook post sinabi ni MMDA EDSA traffic head Bong Nebrija na nakausap na niya ang chief operations ng Highway Patrol Group hinggil sa ciral video.

Ang pinakamainam aniyang gawin ay kasuhan ang mga driver ng mga sasakyan sa viral video dahil sa paglabag sa Land Transportation Act 4136 kabilang ang Counterflow/Reckless Driving, Obstruction, Disregarding Traffic Sign at iba pa.

At dahil kita rin sa video ang plate numbers ng mga sasakyan, maari naman itong gamitin ng LTO para magpalabas ng show cause order at maaring maging basehan sa pagbawi ng lisensya ng mga driver.

Ang pamilya naman ng pasyenteng sakay ng ambulansya ay pwede ring kasuhan ang mga driver adhil sa civil liability pero aminado si Nebrijja na mahabang proseso pa ito at magagastusan pa ang pamilya ng pasyente.

Ayon kay Nebrija nakapa-iresponsable ang ginawa ng mga driver.

Ani Nebrija, base sa pag-aaral mahigit 20% ng mga pasyente na nangangailangan ng emergency treatment ang nasasawi habang patungo ng ospital dahil sa mga “uncooperative motorist”.

TAGS: ambulance, counterflow, emergency, traffic, ambulance, counterflow, emergency, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.