Dahil sa viral memes bilang “Daniella”, Dimples Romana tutulong sa DOT para ipromote ang mga destinasyon sa bansa
Tutulong na si Dimples Romana sa Department of Tourism (DOT) para i-promote ang mga magagandang destinasyon sa Pilipinas.
Nagsimula ito dahil viral memes ng kaniyang role sa teleseryeng “Kadenang Ginto” bilang si Daniella kung saan hila ang kaniyang maleta ay kung saan-saang lugar na sa bansa nakarating ang karakter base sa mga meme na ginagawa ng netizens.
Binisita ni Romana a.k.a Daniella si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Personal na inihayag ni Romana ang kagustuhan niyang mahing bahagi ng mga programa ng DOT bilang isang art-enthusiast at self-confessed museum-lover.
Ayon kay Dimples, excited siyang makipagtulungan sa DOT upang maipromote ang mga lesser-known destination sa Pilipinas.
Kabilang na dito ang mga museums at heritage sites.
Ang viral photo ni Romana ay nakalibot na sa halos buong Pilipinas at nakapunta na sa iba’t ibang tourist destination sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.