Pulis na suspek sa pagpatay sa abugado sa Rodriguez, Rizal inireklamo na sa DOJ

By Ricky Brozas July 09, 2019 - 08:19 AM

Pormal nang ipinagharap ng reklamo ng PNP-CIDG sa Rizal Province ang pulis na suspek sa pagpatay sa isang abugado sa Rodriguez, Rizal noong Mayo.

Si Police Senior Master Sgt. Michael Eralino ay isinalang sa inquest proceedings sa Department of Justice para sa reklamong paglabag sa Republic 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at Republic Act 9516 (An Act Imposing Stiffer Penalties for Certain Violations of Illegal/Unlawful Possession of Explosives).

Ito ay matapos na mahulihan umano ang suspek ng mga hindi lisensyadong baril, mga bala at pampasabog.

Naaresto si Eralino noong Sabado nang salakayin ng CIDG ang kanyang bahay sa Taytay, Rizal sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte sa Tanauan City, Batangas.

Si Eralino ay suspek umano sa pagpatay kay Atty. Edilberto Golla Jr. noong May 17, 2019.

Si Golla ay binaril ng mga armadong lalaki na sakay ng motorsilo sa labas ng Eastwood Greenview Subdivision sa Rodriguez kung saan siya nakatira.

Ayon naman kay Assistant State Prosecutor Susan Azarcon, idineklara nang submitted for resolution ang reklamo.

TAGS: ambush, department of justice, police suspect, Rizal, ambush, department of justice, police suspect, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.