Songbird Regine Velasquez at Pop Princess Sarah Geronimo magsasama nga ba sa isang proyekto?

By Jimmy Tamayo July 09, 2019 - 08:13 AM

Palaisipan ngayon sa kanilang mga fans kung magkasama sa isang proyekto sina Songbird Regine Velasquez at ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Nag-post kasi ng larawan si Direk Jun Robles-Lana sa kanyang twitter account kung saan makikita sina Sarah at Regine na nag-uusap.

Nilagyan pa ito ni Lana ng caption na “look who’s filming with us today!”

Si Lana ang direktor ng bagong pelikula ni Sarah na unforgettable na ayon sa kanya ay nasa ika-siyam na shooting day na.

Nauna nang inihayag ng Viva ang mga cast ng nasabing pelikula pero hindi naman kasama dito si songbird.

May nagsasabi naman na maaaring special guest o may cameo appearance ang beteranong singer sa pelikula ng kanyang anak-anakan.

TAGS: pop princess, Regine Velasquez, Sarah Geronimo, pop princess, Regine Velasquez, Sarah Geronimo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.