Gilas Pilipinas, handang-handa na sa 2019 FIBA basketball World Cup

By Jimmy Tamayo July 09, 2019 - 08:03 AM SHARE(S):

Tiwala si Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao sa kakayahan ng national team na isasabak niya sa 2019 FIBA basketball World Cup.

Ito’y base sa ipinamalas ng national team sa una nilang tune-up game bilang paghahanda sa torneo.

Hinarap ng Gilas ang Mighty Sports Team tampok ang limang import nito sa pangunguna ni Renaldo Balkman at Eugene Phelps.

Ang laban ay nagtapos sa 85-all draw pero kuntento si Guiao sa ipinakita ng kanyang manlalaro.

Unang makakaharap ng Gilas ang koponan ng Italy sa August 31 para sa first round ng Group D na gaganapin sa China.

TAGS: basketball, Gilas Pilipinas, sports, World Cup, basketball, Gilas Pilipinas, sports, World Cup

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.