Apat arestado sa buy-bust sa QC

Arestado ang apat na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Pansol sa Quezon City.

Target ng operasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang alyas James na supplier umano ng ilegal na droga sa lugar.

Nakuha kay James at tatlong iba pang kasama niya ang anim na sachet ng hinihinalang shabu.

Ang tatlong iba pang nadakip ay pawang parokyano umano ni James.

Ayon sa kapitan ng barangay sa lugar na si Chairman Jojo Mahusay, dayo lamang doon si James at nagbebenta sa lugar ng ilegal na droga.

Read more...