55% ng mga Barangay sa Bulacan nakararanas pa rin ng pagbaha

28CalumpitLimampu’t limang porsyento ng mga barangay sa buong lalawigan ng Bulacan ang mayroon pa ring tubig baha.

Ilanga raw bago mag-pasko sinabi ni Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head Liz Mungcal na apektado pa rin ng pagbaha ang maraming barangay sa lalawigan dahil sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam.

Sa datos ng PDRRMO, mahigit 50 libong pamilya ang apektado ng pagbaha sa pitong bayan sa Bulacan.

Nanawagan naman ang PDRRMO ng tulong para makapagsagawa ng dredging sa mga ilog sa lalawigan upang maibsan ang pagbaha.

Una nang sinabi ni Mungcal na maliban sa tubig baha na dulot ng bagyong Nona ay nakadagdag pa ang pagpapakawala ng tubig sa mga dam.

Dahil dito, posibleng maraming residente ng Bulacan ang magpapasko sa mga evacuation centers.

Read more...