Habagat makakaapekto sa Hilagang Luzon ngayong Martes

Iiral ang southwest monsoon o hanging habagat sa extreme Northern Luzon ngayong araw ng Martes July 9.

Ayon sa 4 a.m. Pagasa forecast, magiging maulap ang panahon sa Metro Manila at malaking bahagi ng bansa.

Asahan din ang isolated na mga pag-ulan sanhi ng localized thunderstorms.

Nagbabala ang Pagasa na posible ang flash floods at landslides sa severe thunderstorms.

Samantala, mahina hanggang katamtaman ang inaasahang wind speed sa buong bansa sa direksyong south southwest habang light to moderate ang coastal waters.

 

Read more...