Suspek sa pagpatay sa taxi driver sa Pasay nahanap na

By Rhommel Balasbas July 09, 2019 - 04:42 AM

Screengrab of Jove Sog Hiang video

Natunton na ang suspek sa pagpatay sa isang taxi driver sa Pasay noong nakaraang buwan.

Magugunitang natagpuan na lamang na wala nang buhay ang taxi driver na si Edgardo Egan, 54 anyos, sa loob mismo ng kanyang taxi matapos magtamo ng mga saksak sa leeg, balikat at mukha.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Giovanni Arcinue ng Pasay Police, nahanap na nila ang suspek na si Daniel Sabado, 21 anyos.

Nakakulong na pala ang suspek dahil sa paglabag sa isang ordinansa.

Lumalabas na dati nang nakulong si Sabado dahil naman sa iligal na droga.

Nakatanggap ang text ang pulisya tungkol sa pagkakakilanlan ng suspek at dito nalaman na nakakulong na pala ito.

Aminado si Sabado sa ginawang krimen at sinabing hinoldap niya si Egan para may maipambili ng droga.

Matapos ang panghoholdap ay pinagsasaksak niya na ang biktima.

Naibenta umano niya sa halagang P3,800 ang mga ninakaw na cellphone ni Egan at iba pang gamit sa Taxi.

Mahaharap ngayon si Sabado sa kasong robbery with homicide.

 

TAGS: arestado, ordinansa, pagpatay, Pasay, suspek, taxi driver, arestado, ordinansa, pagpatay, Pasay, suspek, taxi driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.