Tulak ng droga timbog sa Pasay City

Arestado ang isang umano’y notoryus na drug pusher sa buy-bust operation sa Brgy. 152, Malibay, Pasay bandang alas-11:00 kagabi.

Nakilala ang suspek sa alyas na ‘Jolo’ na pawang mga bus drivers ang parokyano ayon sa pulisya.

Ginagamit umano ng ilang bus drivers na parokyano ng suspek ang shabu para manatiling gising habang nasa biyahe tuwing madaling-araw.

Nakuhaan ang suspek ng isang pakete ng shabu na may timbang na 15 gramo.

Isinailalim na sa medical examination ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...