Panukalang term extension ng mga opisyal ng Bgy. at SK inihain ni Go
Naghain si Senator Bong Go ng panukalang batas na magpapalawig sa termino ng kasalukuyang mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).
Nais ni Go na magkaroon ng synchronized elections sa May 2020 hanggang October 2022 na magbibigay-daan sa term extension ng mga Bgy. at SK officials hanggang 4 na taon.
“Mga barangays natin ang pinaka-frontline ng ating gobyerno sa paghahatid ng serbisyo at sa kampanya natin laban sa iligal na droga at kriminalidad. Kaya dapat lang na mabigyan natin sila ng sapat na panahon upang makapagpatupad ng kani-kanilang mga programa at proyekto sa kanilang mga nasasakupan,” ani Go.
Ayon pa sa Senador, hindi kasalanan ng kasalukuyang mga opisyal ng barangay at SK na ipinagpaliban ang kanilang eleksyon.
Ano anya ang magagawa ng mga opisyal sa 2 taon at paano umano maipapatupad ng buo ang kanilang mga programa.
Hindi natuloy ang Bgy. elections noong October 23, 2017 sa ilalim ng Republic Act 10952.
Nakasaad sa panukalang batas ni Go na gagawin ang halalan sa May 2022 kaya nasa 2 taon lang imbes na tatlo ang termino ng kasalukuyang mga Bgy. at SK elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.