Ayon kay Estrada, nag-iwan pa siya ng P10.3 bilyon sa local government treasury bago bumaba sa pwesto noong June 30.
“Noong 28 June 2019, ang City Treasurer ng Manila na si Josephine Daza ay naglabas ng sertipikasyon na P10.3 bilyon ang pondong naiwanan sa pagtatapos ng aking termino,” ani Estrada.
Giit ng dating alkalde, nagtataka siya na mayroong cash deficit gayong ang paglalabas ng pondo ay per quarter at bawat gastusin ay may angkop umanong certificate of availability of funds or cash.
“Ako ay lubhang nagtataka kung paano kami magkakaroon ng cash deficit. Ang pahintulot ng paglalabas ng aming mga pondo ay per quarter. Ang bawat gastusin para sa infra projects at supplies ay may angkop na certificate of availability of funds or cash,” dagdag ni Estrada.
Sinabi pa ni Estrada na sa nakalipas na anim na taon, bawat memo o findings ng COA ay agad niyang pinasasagot sa mga kinauukulang department heads.
Sa huli, hinimok ni Estrada ang kanyang dating department heads na makipag-ugnayan sa administrasyon ni Manila Mayor Isko Moreno at sa COA para maresolba ang isyu kaugnay sa pondo ng lungsod.