Duterte aakuin ang pananagutan sa misbehavior nina Go, Dela Rosa

Aakuin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pananagutan sakaling may hindi magandang magawa sina Senators Christopher Go at Ronald dela Rosa.

Sa kanyang talumpati kagabi sa oath-taking ng bagong government appointees sa Malacañang, nanindigan ang presidente sa integridad at kakayahan ng dalawang baguhang senador.

“Six years ‘yan so makita ninyo. Sabihin ko sa inyo. I take full responsibility if they go wayward,” ayon sa pangulo.

Ayon sa pangulo, si Go na isang alumnus ng La Salle ay matalino.

Si Dela Rosa naman anya na kanyang dating Davao Police chief at kalaunay naging PNP chief ay matapat at hindi nanghingi ng kahit anong kapalit sa kanyang paninilbihan sa pulisya.

Ang kapwa neophyte senators ay parehong inendorso ng pangulo sa nagdaang May 13 elections at nakuha ang ikatlo at ikalimang pwesto sa final at official poll tally.

 

Read more...