Robin Padilla sasali sa Army Reserve Force

By Len Montaño July 09, 2019 - 03:36 AM

Kinumpirma ng aktor na si Robin Padilla ang kanyang pagsali sa militar bilang reservist.

Ibinahagi ni Padilla ang post ng Philippine Army kaugnay ng pagbisita niya sa Sulu para sa pagsusulong ng kapayapaan.

Ito ang naging kumpirmasyon ng pagsali ng aktor sa Army Reserve Force.

Pinasalamatan si Padilla ng Philippine Army sa kagustuhan nitong maging bahagi ng kanilang Reserve Component.

Sa post nito noong nakaraang linggo ay hinimok ng aktor ang mga Pilipino na sumali sa Army Reserve Force.

Sinabihan pa nito ang mga kabataan na gayahin si Matteo Guidicelli na anyay matapang at handang maglingkod sa bansa.

Ang hakbang ni Padilla ay kasunod ng pagtatapos ni Guidicelli sa 30-day Scout Ranger traning sa Bulacan.

 

View this post on Instagram

 

Maraming maraming salamat po aming nag iisang Panginoong Maylikha sa pagkakataon na ito na akoy muling nakapagsalita at makapaghayag ng patungkol sa aking kwento kung paano ako naparusahan at nakulong sa New Bilibid Prisons at kung paano din ako nagpumulit magbagong buhay hindi lamang dahil gusto ko makalaya kundi dahil akoy naging isang muslim.

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on Jul 8, 2019 at 5:43am PDT

TAGS: Army Reserve Force, Kapayapaan, Matteo Guidicelli, robin padilla, sasali, scout ranger, Sulu, Army Reserve Force, Kapayapaan, Matteo Guidicelli, robin padilla, sasali, scout ranger, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.